Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng low-cost airline na Airasia Philippines na nais nitong maglunsad ng biyaheng panghimpapawid na Maynila patungong Tokyo sa Japan, sa Pebrero 2023.

Sa isang pahayag, sinabi ng airline na ang ika-10 destinasyon nito sa ibang bansa ay ang Tokyo.

Sinabi rin nitong nakatakdang simulan ang flight mula Maynila hanggang Tokyo, sa Narita International Airport, simula Pebrero 1, sa susunod na taon.

Tumatanggap na rin ang Airasia ng mga forward booking para sa biyaheng Manila-Tokyo at maaring mag-book gamit ang kanilang app at website.

Matatandaang ilulunsad ang tri-weekly na biyaheng Manila-Osaka sa darating na Disyembre 6.

Samantala, nag-abiso naman ang Airasia sa mga manlalakbay na magkakaroon ng promo para sa mga piling flight.

Our goal is to empower more Filipinos to travel and immerse in the diverse cultures of our country’s regions and our Asean neighbors. We are confident that Osaka and Tokyo have a high potential of being among our top-preferred international destinations. By adding our Manila-Tokyo route, we are well positioned to achieve full recovery for international operations early next year,” anang CEO ng Airasia Philippines na si Ricky Isla.

Leave a Reply