By Frances Pio
––
Ang bagong authority o administration ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa halip na isang bagong departamento ay sapat na upang tugunan ang mga problema sa pagtugon sa kalamidad, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes.
Sa isang situation briefing matapos bumisita sa Abra, na tinamaan ng magnitude 7.0 na lindol noong Miyerkules, sinang-ayunan ni Marcos ang mga panukala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senator Imee Marcos. Sinabi niya na ang bansa ay hindi nangangailangan ng bago at mas mahal na departamento.
Sinabi ni Senador Marcos na naghain siya ng panukalang batas para lumikha ng bagong katawan na magbibigay ng kapangyarihan sa NDRRMC, na kinopya o binase sa United States Federal Emergency Management Agency (FEMA).
“We are siblings indeed, I fully agree; I did not ever, I did not ever understand the concept of a full […] department. I don’t think it needs that because you don’t really have to form policy,” sinabi ni President Marcos.
“It is just an implementation of a rescue mission or a search and rescue mission, there are many models, but the good model that I’ve seen is FEMA. And that’s only an adjunct of… Ministry of Interior yata ‘yon eh (I think),” dagdag pa niya.
Ayon kay Senadora Marcos, ang mga ulat ng militar na kinailangang putulin ang chain of command at ang mga opisyal ay kinakailangan na nasa ground zero ng mga kalamidad — tulad ng nangyari pagkatapos ng lindol sa Abra — ay nagpapatunay na dapat bigyan ng sapat na kapangyarihan ang NDRRMC.
Naniniwala siya na ang bagong ahensya ay maaaring ilagay sa ilalim ng Office of the President para sa mabilis na deployment at pamamahala.
“Mr. President, I think the report of General Torres as well (of) as our Chief of Staff merely highlights the inefficiency our system that they have to break the chain of command, they have to call on other departments, Secretary (Erwin) Tulfo has to come here, the President himself has to come here merely underlies the urgency of empowering the NDRRMC,” sinabi ni Sen. Marcos.
“May I recommend by way of another ‘Imee Solusyon’, rather than (a) full-scale department na mauubos lang ang budget sa sahod ng limang Usec, isang katutak na Asec, can we start by an NDRRMC authority or administration, tulad ni Apo Lakay, ‘yong DBM (Department of Budget and Management) nag-umpisa bilang commission,” dagdag pa niya.
Samantala, tiniyak naman ni Leyte 1st District Representative at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naroroon din sa briefing sa mga Marcos na susuportahan ng Kongreso ang mga panukala.