By Frances Pio
––
Pumili si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Philippine National Police (PNP) chief, at National Bureau of Investigation (NBI) director para palakasin ang seguridad ng bansa.
Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes na ang Southern Luzon Command chief at Medal of Valor awardee na si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ang mamumuno sa AFP.
Ang kanyang dating appointment ay naging kontrobersyal ng dahil sa fatal hazing case ng Philippine Military Academy cadet na si Darwin Dormitorio noong si Bacarro ang commandant ng mga kadete, ngunit kalaunan ay kinumpirma ng Commission on Appointments ang pagtalaga sa kanya.
Inaasahang magsisilbi si Bacarro ng tatlong taon dahil sa batas na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo na nagbibigay ng nakapirming termino para sa mga nangungunang posisyon sa militar at pagbabago ng kanilang edad ng mandatory retirement.
Samantala, napili bilang bagong hepe ng 226,000 na miyembro ng PNP si Northern Luzon Police Area Commander Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr. Nagtapos sa Philippine Military Academy ‘Makatao’ Class of 1989, siya ang pumalit kay PNP officer-in-charge Vicente Danao.
Samantala, ang kasalukuyang Officer-in-charge ng NBI na si Medardo De Lemos ang iniluklok bilang direktor ng ahensya.
Si De Lemos ay miyembro ng NBI sa loob ng 37 na taon at siya ang pinakamataas na opisyal ng bureau.