Share:

Mas magiging maayos at madali ang pamamahagi ng ayuda at atensiyong medikal ng mga awtoridad kung household lockdown lamang ang gagawin at hindi buong komunidad ayon kay Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo.

“Pag sinabing ECQ (Enhanced Community Quarantine), ibig sabihin nun lahat po tayo, pangmalawakan kahit sa mga lugar na wala namang COVID magsasara lahat kaya ang panukala ko po piliin na lang po natin. Yun na lang pong mga households na may COVID positive yun na lang po ang i-lockdown natin nang sa ganun pwede pong ipagsabay ang ating layunin na pigilan ang pagkalat ng COVID at the same time, tuloy-tuloy pa rin ang ating ekonomiya,” ani ni Quimbo.

Ang pagkakaroon ng community lockdown ay may malaking epekto di umano sa ating ekonomiya. Kung saan ang lahat ng negosyo na sakop ng lockdown ay kinakailangang tumigil sa pagseserbisyo na magiging mabigat para sa ating ekonomiya.

“Ang estimate dyan sa kada araw ng ECQ sa greater Metro Manila area ang nawawala sa atin P8-B kada araw. Napakabigat po nun so naisip ko po let’s make it targeted yung lockdown,” dagdag ni Quimbo.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng Covid-19 na dulot din ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay pinaalalahanan ng Department of Health ang bawat isa na huwag munang makampante dahil tinatayang dalawang linggo pa bago maramdaman ang epekto ng lockdown.

Leave a Reply