Share:

Nakatakdang mag bukas ang iba’t ibang negosyo sa NCR o Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ngayong araw September 1.

Ang mga sumusunod ay ang mga establisyimento na maaari nang magbukas muli ngayong GCQ gyms, fitness centers, sports facilities, testing at tutorial centers, review centers, computer shops, personal care services, pet grooming services at drive-in cinema ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez

“This also includes the easing of restriction for dine-in,” pahayag ni Lopez para sa mga pilipino

Nang isailalim ang NCR at ang apat na probisya sa GCQ ang kapasidad sa mga dine in restaurant at fast food establishment ay 30% lamang.

Ngunit simula ngayon September 1 ay magiging 50% na ang kapasidad sa mga restaurant.

Sa ngayon mahigit 94% ng economic sektor ay bukas sa ilalim ng GCQ pero sa kabuuan nito ay 75% lamang na sektor ang bukas bilang ang mga ibang may ari ng negosyo ay piniling mag sarado na lamang dahil sa mababang demand.

“Moving forward, we want to bring back more jobs, and that is by opening more the economy,” sabi ni Lopez

“But as we open the economy, it doesn’t mean we will be relaxed with health measures. We still need to strictly follow these protocols,” dagdag niya.

Leave a Reply