Share:

Hinimok ni Senador Bong Go ang gobyerno ngayong Huwebes na payagan ang mas maraming mga PUV sa mga kalsada kaysa bawasan ang physical distancing sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Senator Bong Go matapos sabihin nang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na habang kinikilala ang pangangailangan na higit na buksan ang ekonomiya, ang ginawang desisyon ng Department of Transportasyon (DOTr) na unti-unting bawasan ang pisikal na distansiya sa mga pampublikong sasakyan ay “masyadong maaga”.

“Sang-ayon ako sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan,” pahayag ni Go

“Huwag nating isugal kung may posibilidad na mas kumalat ang sakit. Ayaw nating tumaas muli ang numero ng nagkakasakit, lumala ang sitwasyon at tuluyang bumagsak ang ating healthcare system,” dagdag niya

Sinabi ni Go na ang mga komento mula sa mga dalubhasa sa medisina ay dapat dinggin at bigyan ng kahalagahan dahil sila ang nakakaalam tungkol sa kalusugan bilang mga frontliner sa labanan ng bansa laban sa COVID-19.

“Kapag nakita kasi ng mga tao na pumayag na tayo na luwagan ang physical distancing measures sa public transportation, baka pumasok sa isip ng tao na pwede na palang maging kampante sa iba pang lugar. Mahihirapan tayo na limitahan lang sa aspeto ng transportation ang patakarang ito,” ani ng senador.

Binigyang diin ng senador na ang mga pag-aaral ng mga dalubhasa ay ipinapakita na ang pisikal na paglayo ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagalaganap ng COVID-19 at sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko at sektor ng transportasyon, dapat maghanap ang mga awtoridad ng mga paraan upang matulungan ang kabuhayan ng mga driver ng pambublikong sasakyan “nang hindi inilalagay sa peligro ang kanilang buhay at ang buhay ng iba.”

Inirekomenda ng senador sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sa halip payagan ang mas maraming mga pampublikong sasakyan sa kalsada.

Leave a Reply