Share:

Ayon sa isang pahayag nitong Miyerkules, ipinagutos ng LTFRB sa mga PUV operator at automated fare collection system provider gaya ng Beep card na alisin na ang sinisingil sa card maging sa ibinibigay na “convenience fee”

Ito ay binigyang bisa at epektibo ngayong ika-9 ng Oktubre, kaya’t simula ngayon ay “pasahe o load” na lang ang babayaran ng mga pasahero. Ito ay kasama sa kanilang ikinasang memorandum circular kung kaya’t ang sino mang service provider ang hindi makasunod sa memorandum na ito ay maaaring masuspinde at pagmultahin.

Ang sakop ng memorandum na ito ay ang mga cashless transaction sa mga Pampublikong sasakyan nguni’t ang ginagamit na Beep card sa pagsakay sa railway gaya ng LTR at MRT ay hindi kasama sa kautusang ito.

Bagama’t may mga nauna nang nakapagbayad noong hindi pa ipinapatupad ang pag alis ng singil sa mga card, ang DOTr o Deparment of Transportation ay pag-uusapan kung paano at papaano nila maibabalik ang mga napaunang bayad sa card ng mga pasaherong nakabili na nito.

Ang ahensya ay nagpaplano rin na pagisahin na lang ang card na gagamitin para sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Leave a Reply