Share:

Sinabi ni Mayor Isko Moreno sa kaniyang talumpati na ang lokal na pamahalaan ay mag lalaan ng P49.3 milyon para sa pagpapagawa ng 2,400-square-meter na Muslim Cemetery sa Manila South Cemetery.

Ang sementeryo ay magsisilbing eksklusibong libingan para sa mga labi ng namatay na mga residenteng Muslim sa Maynila.

Ang lungsod ay magpapatayo rin ng cultural hall para sa mga Muslim.

Dagdag pa rito binigyang halaga ni Moreno ang mga kontribusyon ng mga Muslim sa kasaysayan at kultura ng kabisera ng bansa.

“Sa lahat ng kanilang naiambag parang nakalimutan na natin ang ibigay ang nararapat para sa kanila” ani Moreno

Ani niya, “Ang mga Muslim ay nagdala ng kadakilaan sa amin kahit na bago pa maabot ng mga Espanyol ang aming mga baybayin. Kami ay ang ‘Land of Rajahs’ dahil ang mga rajah ay namuno sa Maynila, partikular ang dinastiyang Rajah Sulayman.” 

Basi sa tradisyon ng mga Muslim, ang labi ng namatay ay kailangang ilibing bago umabot ng 24-oras mula sa pagkamatay nito.

“Ang ating mga kapatid na muslim ay kailangan pang dalhin sa Bulacan, Taguig or Mindanao para mailibing, kase ang lungsod ay walang  sementeryo para sa kanila,” ayon kay Moreno.

Pang huling salaysay ni Moreno, “Kapag matapos na ang sementeryo, ang mga Muslim ay di na kailangang bumiyahe ng malayo para mailibing ang kanilang pumanaw na kamaganak.”

Leave a Reply