Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa pulisya, tinamaan ang 13 anyos na lalaki ng ligaw na bala sa bayan ng Maramag sa Bukidnon habang nanonood sa party ng kapitbahay.

Biglang sumakit ang kaliwang kamay ng binatilyo at natagpuan na lamang na dumudugo na ang kanyang kamay.

Isinugod naman agad sa ospital ang lalaki at naoperahan.

Kasalukuyan namang nasa maayos na kalagayan ang biktima ngunit patuloy pa rin ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga upang mapag-alaman ang pinagmulan ng ligaw na bala.

Hindi pa natutukoy kung sino ang may-ari at nagpaputok ng baril.

Anang Maramag police officer-in-charge na si Lt. Col. Julius Macariola IV, nakuha na ang “slug” at ipapadala ito sa forensic laboratory ng Bukidnon Provincial Police Office of para sa imbestigasyon.

Leave a Reply