By Christian Dee
MAYNILA – Inanunsyo ng Meralco nitong Biyernes na magtataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Disyembre.
Ang taas-singil sa kuryente ay matapos maubos ang mga refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon sa Meralco, tataas ang singil ng P0.33/kwh sa nasabing buwan.
Ang mga sumusunod ay ang katumbas ng dagdag singil:
• 200kwh = P66
• 300kwh = P99
• 400kwh = P132
• 500kwh = P165
Matatandaang ipinag-utos ng ERC sa nasabing kompanya na mag-refund ito ng P13.8 bilyon sa mga customer sa loob ng dalawang taon o 24 na buwan.