Share:

Mananatili sa General Community Quarantine ang buong Metro Manila ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito’y inanunsyo ng Pangulo sa kanyang pagharap sa publiko patungkol pa rin sa patuloy na pandemya sa ating bansa.

Gayundin ang ibang lugar sa ating bansa gaya ng Iloilo, Batangas, Bacolod, Tacloban, Iligan, Lanao Del sur ay mananatili din sa GCQ hanggang sa katapusan ng Nobyembre kasama ng buong Metro Manila.

Ayon sa pangulo marami rin sa mga mayor ng Metro Manila ay nais na manatili sa GCQ ang kanilang lugar dahil may nakikita silang magandang resulta rito. “Ang gusto ng karamihan (that majority wants to), make it permanent because they have seen the goodness of the result. It has considerably lowered the number of people infected with the microbe,” ani ng Pangulo.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque maaari pa rin namang umapela ang mga opisyal ng nasabing lungsod sa desisyon na ito ng pangulo hanggang Oktubre 28.

Sa kasalukuyan ang bansang Pilipinasa ay pumapangalawa pa rin sa may pinakamataas na kaso ng Covid sa buong South East Asia na may bilang na 371,360 at 7,039 naman ang bilang ng nasawi.

Leave a Reply