Nitong Miyerkules, naitala ang 122 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan na umabot sa kabuuang bilang na 19,850 ayon sa Philippine National Police (PNP).
Nitong Abril 27, may 176 na na naitalang gumaling sa nasabing sakit na umabot sa kabuuang bilang na 17,986 sinabi rin ng PNP sa isang post sa Facebook.
Wala namang bagong naiulat na panibagong pagkasawi maliban sa 55 na mga namatay na miyembro ng kapulisan.
Sa ngayon ang PNP ay mayroong aktibong kaso ng COVID-19 at mga nahawahaang miyembro na umabot sa 1,809.
Sa kasalukuyan ay umabot sa bilang na 1,013,618 ang aktibong impeksyon sa bansa at 925,027 ang gumaling sa sakit na dulot ng Covid-19.