Share:

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño nung Huwebes na hinahanda na ang mga Barangay kung sakaling kailangan na sila ang mamahagi ng ayuda ngayong nakataas ng ECQ.

Sinabi rin ni Usec. Diño na ang mga ayuda ay nasa municipal at city level na at inaasahang mapapamahagi sa loob ng isang linggo. Ngunit wala pang kasiguraduhan si Diño na ibibigay ito sa Barangay level para sa mas mabilis na pamamahagi. Ayon sa kanya kanyang pahayag, dapat maipamahagi Barangay ang ayuda sa loob ng dalawang araw.

Sa ngayon inaayos na ang listahan ng 22.9 million low-income individuals sa loob ng NCR Plus na makakatanggap ng P1000 in kind at P4000 maximum naman para sa bawat pamilya.

Leave a Reply