Inihahanda ng mga lokalna pamahalaan sa Metro Manila sa mga eskuwelahan, gym, at simbahan na gagawing vaccination centers sakaling dumating na sa bansa ang mga bakuna kontra COVID-19.
Matapos ang matagal na walang face to face na klase, magagamit na muli ang ilang eskwelahan sa Mandaluyong City, 10 pampublikong paaralan ang gagamitin sa lungsod bilang vaccinates sites.
Isasagawa sa Mandaluyong ang simulation na aabutin ng mula 12 hanggang 15 minuto ang proseso ng pagpapabakuna nitong Miyerkules, na ang target ang 5,000 residente kada araw
Mananatili ang residente sa mga classroom ng 30 minuto hanggang isang oras matapos turukan bilang obserbasyon. Handa naman tumugon ang opisyal na si Dr. Cesar Tutaan ng Mandaluyong Medical Center na sakaling may makaranas ng adverse reaction sa bakuna.
