Share:

Ayon sa isang interview kasama ang Meralco Spokesperson na si Joe Zaldarriaga,magsasagawa ang Meralco ng personal na sulat tungkol sa klaripikasyon sa bill ng kuryente simula noong Marso dahil sa madami parin ang hindi naliliwanagan sa kanilang pagsingil sa kuryente.

“As a corrective measure, ang gagawin namin dito maglalabas kami individually ng explanatory letter para sa lahat ng customer natin na apektado,”

Ayon kay Zaldarriaga kailangan talaga nila ipaliwanag isa isa sa mga customer kung bakit ganon ang estimated reading sa kanila mula noong Marso, Abril at Mayo.

“Alam po namin na medyo may pagkukulang tayo doon dahil hindi natin na-identify doon mismo sa bill kung ano ‘yung estimated at kung ano ‘yung naging actual. Hindi nakalatag doon,”

Paliwang pa ni Zaldarriaga hindi tumaas ang kanilang pagsingil sa kuryente kundi tumaas ang kunsumo ng ibang customer dahil sa enhance community quarantine.

“Humingi kami ng paumanhin at patuloy kaming humihingi ng paumanhin doon sa kalituhan na naidulot nung bills mula nung hindi nabasa ang metro noong nag-lockdown po tayo,”

Sabi din ni Zaldarriaga, estimated bill lang ang kanilang natanggap dahil hindi nakalabas ang kanilang mga tauhan noong ECQ para matignan ang mga metro dahil sa restrictions ng gobyerno. Pag lumabas na ang actual reading ng lahat ay maari na umano maayos lahat ng bill.

“Just wait for the billing then naka-indicate na ‘yung installment. Then ‘yun puwede na ‘yung bayaran sa mga bayad centers,”

Leave a Reply