Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Sabado, Nobyembre 19, maraming mga lokal na employer ang tumanggap agad sa mga na-displace na overseas Filipino workers (OFW) sa isang job fair na binuo ng Department of Migrant Workers (DMW), ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Lunes.

Sabi ni OWWA Deputy Administrator Honey Quiño sa isang public briefing, maraming mga local partners ang ahensya na nag-hire on the spot sa naganap na job fair.

Marami tayong local partners na nag-hire on the spot. It’s because yung job fair po is for displaced na OFWs natin na nais po na dito na mag-trabaho kaya mas marami tayong local na employers at the time,” aniya.

Naging matagumpay aniya ang nasabing job fair at maraming natanggap sa trabaho on the spot.

Alok ng job fair ang 17,000 na posisyon para sa mga na-displace na OFW.

Halos lahat ng aplikante ang mga itinuturing na kwalipikado sa mga trabaho, ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, at 70 ang bilang ng mga overseas at 50 local recruitment agency ang lumahok sa nasabing kaganapan.

Leave a Reply