Share:

By Frances Pio

Nilinaw ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lourdes Lizada nitong Miyerkules, Hunyo 8, na ang mga nasa ilalim ng work-from-home setup ay walang makukuhang overtime pay.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Lizada na pinapayagan ang overtime pay kung ang isang tao ay lumampas sa oras na itinalaga para upang magtrabaho.

“You are entitled to overtime pay as long as you report for work,” ika niya.

“Yung mga nagwowork-from-home, satellite office, fixed place, you are not entitled to overtime pay,” dagdag niya.

Ginawa niya ang pahayag matapos tanungin kung ang compressed work-week setup ay maaaring makaapekto sa mga panuntunan sa overtime pay. Ipinaliwanag niya na ang compressed work-week setup ay resulta ng konsultasyon sa pagitan ng mga empleyado at ng management.

Sa ilalim ng setup na ito, ang mga manggagawa ay nag-uulat lamang para sa trabaho sa loob ng apat na araw sa 10 oras bawat araw na bumubuo ng 40 oras sa isang linggo. Kung ang isang empleyado ay lumampas sa 10 oras sa opisina, sinabi niya na siya ay may karapatan sa overtime pay.

Inaprubahan kamakailan ng CSC ang Resolution No. 2200209 na ipinahayag noong Mayo 18, 2022 na magpapahintulot sa pampublikong sektor simula Hunyo 15, na magpatibay ng mga flexible work arrangement anumang oras. Sinabi ng CSC na nilalayon nitong i-institutionalize ang mga flexible work arrangement bilang bahagi ng pagsisikap sa transition mula state of public health emergency patungo sa new normal.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng CSC na ang mga flexible work arrangement ay napapailalim sa pagpapasya ng pinuno ng ahensya sa kondisyon na ang lahat ng kanilang mga stakeholder ay nakatitiyak ng tuluy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyo mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Leave a Reply