Share:

Hindi na muna papayagan ang mga menor de edad o edad disi otso pababa sa mga mall ng Metro Manila kahit na may kasamang magulang.

Nagkasundo ang Metro Manila Council na hintayin muna ang opinyon ng Philippine Pediatrics Society (PPS) kung ano ang magiging epekto kung pahihintulutan ang mga menor de edad na makapasok sa mall, ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia. 

Inaasahang magbibigay ang PPS ng mga impormasyon kahapon o hanggang ngayong ss araw bago sila magpatawag ng emergency meeting para magsagawa n botohan.

Habang hindi pa nakakaabuo ng disisyon ang MMC, status quo muna ang restriction.

Una nang hinikayat ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan ng pahintulot na maipabilang ang mga menor de edad na pitong-taong gulang pataas sa layuning makabangon ang ekonomiya ngayong kapaskuhan.

Leave a Reply