By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Biyernes, Enero 6, naghain na ng courtesy resignation ang mga opisyal ng pulisya sa Central Visayas.
Ang hakbang na ito ay matapos ang paghimok ng kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Benhur Abalos para sa pagtatangkang “linisin” ang organisasyon.
Kabilang si Regional Director Brig. Gen. Jerry Bearis sa dalawang brigadier general na naglagda ng kanilang resignation letter, kasabay ng dalawampu’t walong (28) colonel.
Ayon kay Bearis, nilagdaan nila ang resignation letter upang ipakita ang kanilang buong suporta.
Naniniwala naman ang opisyal na ang estado nito ay nasa “high morale” at masaya naman aniya siya na mayroong hakbang para malinis ang Philippine National Police (PNP).
Kinlaro din ni Bearis na hindi maaapektuhan ang plano sa seguridad ng rehiyon, lalo na at paparating na ang araw ng paggunita sa Sinulog Festival sa Cebu.
Ipagpapatuloy pa rin nito ang kanilang trabaho at ang mga nakaatas sa kanilang Gawain sa kasalukuyan aniya, na nakabase sa panuntunan ng Secretary of Interior and Local Government.
“There will be a committee of 5 to scrutinize our integrity to ensure that members of the PNP are in good shape, with integrity of heart para we are in good hands,” aniya.
“Business as usual. We show that we are one in the endeavor of the SILG. We are clean, wala tayong dapat kinatatakutan. We have a peace of mind that we are performing our job well,” dagdag pa ni Bearis. (Photo source: PNA photo by John Rey Saavedra)