Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Siksikan pa rin ang mga biyahero sa Batangas port ngayong Miyerkoles, Disyebre 28.

Ilang araw bago sumapit ang Bagong Taon, mahaba pa rin ang pila upang makabili ng ticket patungo sa kanya-kanyang mga probinsya.

Mahabang pasensya ang kakailanganin ng mga nais sumakay sa naturang pantalan upang makatawid sa ibang mga isla dahil ang iba ay inaabot ng dalawang oras sa pagkuha lamang ng ticket.

Sa pila, mapapansing pinakamarami ang mga pasaherong papunta sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro para magbakasyon sa kilalang beach.

Inaasahan naman din umano ng mga shipping lines ang pagdagsa ng mga tao sa daungan hanggang Biyernes, Disyembre 30.

Leave a Reply