Share:

Matapos ianunsyo ni Russian President Vladimir Putin na mayroon na silang natuklasang bakuna kontra Covid-19, isa ang Pilipinas sa mga bansang handang bigyan ng Russia ng bakuna. Sasailalim pa sa phase 3 ang pagaaral ng naturang gamot na tinatawag na Sputnik V.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga residente ng Quezon City ay maaaring maging qualify sa clinical trials kung saan mahigit sa 1,000 residente ang kinakailangang bigyan ng bakuna at sila ang magiging halimbawa at patunay kung maaaring gamitin ang bakuna na ito kontra Covid.

Ang Quezon City ang may pinakamataas ng kaso ng Covid sa buong NCR, ang lungsod ang pinagaaralan ng pamahalaan na gamitin sa pag aaral, ani ni Nograles.

Kung mapapatunayan na epektibo ang gamot na ito, maaari itong ilabas ng Russia at ibahagi sa ating bansa matapos ang 3 hanggang 6 na buwan.

Leave a Reply