Pinaalalahanan ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga ahensyang may kinalaman sa operasyon ng MRT-3 na siguruhin ang maayos at ligtas na pagpapatakbo ng tren matapos ang insidente ng pagkasunog ng isa sa mga bagon kamakailan lamang.

“Our people expect the government to alleviate their transport woes amid the pandemic by sustaining the safe operation of public transport like the MRT,” ani Poe.

Sinabi ito ni Poe matapos umapoy ang isa sa mga bagon ng MRT-3 na tumatakbo malapit sa Guadalupe station. Walang naitalang namatay ngunit hindi bababa sa 8 na tao ang sugatan matapos tumalon palabas ang mga pasahero upang matakasan ang nasusunog na tren.

Nagsimula na ng imbestigasyon ang DOTr at ang management ng MRT-3 ukol sa nangyaring insidente.

Ayon sa Senador, “We’ve seen that even during a pandemic, our public transportation has remained the backbone of sustainable mobility which is essential to economic recovery.”

Base sa tala ng DOTr, umaabot sa 270,000 ang karaniwang dami ng tao na sumasakay sa MRT-3. Ngunit dahil sa pandemya, bumaba ito sa 45,000 at ngayo’y umaabot na sa hindi bababa sa 113,000 na mga pasahero kada araw.

“Buhay ng ating mga kababayan ang nakataya dito,” ani Poe.

Leave a Reply