Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Tinitingnan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mid-rise o high-rise units para sa pampublikong pabahay sa halip na mga bahay na nakahilera sa bansa ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Disyembre 12.

Aniya sa kanyang pahayag matapos ang pagbibigay ng pabahay sa mga benepisyaryo ng National Housing Authority, 6.5 milyong bahay pa ang pabahay na dapat matapos ng bansa.

Sinabi ng pangulo na baka mas mabisa kung ang pabahay ay gagawing mid-rise units at possible pang mapataas ito hanggang maging high-rise units na gusali.

Paliwanag naman ni Marcos na pag-aaralan pa rin ito.

Ayon kay Marcos, dapat hindi lalampas sa isang oras ang biyahe mula sa bahay patungo sa mga trabaho o paaralan.

“Dapat ang travel time mula bahay hanggang trabaho o eskuwelahan ay hindi lalampas sa isang oras,” aniya

“Dapat may malapit na palengke o maliit na mall na mapapamilihan,” dagdag pa ni Marcos.

Ipinagbigay-alam din ng pangulo na ang Department of Human Settlements and Urban Development ay ang kagawarang naatasang siguruhin na ang lokasyon ng mga pabahay sa bansa ay nasa mga lugar na may sapat na pasilidad.

Leave a Reply