Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Bumagsak sa isang palayan sa Sitio Tabon, Barangay Del Rosario, Pilar, Bataan ang isang eroplano nitong Miyerkoles, Enero 25.

Napag-alaman na ang eroplano ay isang military plane sa ilalim ng Philippine Air Force matapos kumpirmahin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Photo source: Pilar, Bataan Municipal Police

May dalawang sakay na piloto ang bumagsak na eroplano.

Ayon sa nakasaksi, badang alas-10 pasado naganap ang naturang pangyayari.

Ang nasabing insidente ay iba pa sa naiulat na nawawalang eroplano sa Isabela.

Kasalukuyan namang hindi pa nakukumpirma ang sitwasyon ng dalawang sakay ng bumagsak ng eroplano.

Photo source: Pilar, Bataan Municipal Police

Leave a Reply