Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa kwalipikasyon para maging kandidata sa Miss Universe Philippines 2023, hindi na limitado ang nasabing local pageant sa mga single women.

Sa isang Facebook post ng Miss Universe PH, ipinabatid nito ang pagbubukas ng nasabing pageant para sa mga aplikante.

The most prestigious crown in the country can be yours for the taking,” saad ng organisasyon.

Bring out the queen in you as we open the application process for Miss Universe Philippines 2023,” dagdag pa nito.

Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:

  • Female, regardless of civil status
  • Filipino Citizen
  • No Height Requirement
  • 18-27 years old

Magsasara ang aplikasyon sa Enero 29, 2023 ng 11:59 ng gabi.

Ang mga kinakailangan para maging kandidata ng MUPH 2023 ay kasunod ng pagpapahintulot ng Miss Universe Organization sa mga ina at maging ang mga asawang babae na makasali sa nasabing pageant.

Ang kasalukuyang MUPH queen, Celeste Cortesi, ay nakatakdang lumaban sa Miss Universe 2022, na gaganapin sa New Orleans, Louisiana sa Enero 23, 2023.

Photo: Miss Universe Philippines / Facebook

Leave a Reply