Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Biyernes, Pebrero 10, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes na patuloy pa ring suspendido ang implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila.

Paulit-ulit aniya nilang itinatangging ipinatutupad ang NCAP dahilan ang kumakalat sa social media na muli nang isinagawa ang implementasyon nito.

Ani Artes, ang naturang kumakalat na social media post ay isang “fake news” o walang katotohanan.

“‘Wag po tayo maniwala, ‘yan na po ay paulit-ulit na naming dini-deny. Nare-recycle po eh, lumabas na po ‘yan a few months ago,” babala ng opisyal sa publiko nang makapanayam sa TeleRadyo.

“Patuloy pong suspendido ang NCAP dahil may pending pong temporary restraining order or TRO ang Supreme Court laban dito, so hindi po naming pwedeng implement yan,” dagdag pa niya.

Iginiit din in Artes na ang mga post sa social media na nagsasabing “in full implementatyion na ‘yung NCAP” ay maling impormasyon.

Agosto 30 noong nakaraang taon nang ibaba ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order laban sa naturang polisiya, kasunog ng inihain na reklamo ng ilang mga grupo laban sa NCAP.

Leave a Reply