Pinaplano ng gobyerno na magtayo ng mga mobile intensive care unit (ICU) upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga ospital lalo na sa Metro Manila, na umabot na sa kanilang full capacity, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque nitong Lunes.
“We had a special meeting. There’s now plans to build mobile tents, ICU facilities of up to 200 beds. So we have even identified even the area owned by a government-owned and controlled corporation for this special ICU facility,” sinabi ni Roque sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Ayon kay Roque sa naganap na pagpulong, kabilang sa mga dumalo ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Health Secretary Francisco Duque III.
“We’re doing what other countries did…and relying now on mobile hospitals. Of course it takes time to build real hospitals, we need to rely on these mobile hospitals now,” ani Roque.
Maraming ospital sa Metro Manila ang umabot sa full capacity sa gitna ng pagdagsa ng COVID-19 na kaso.
Samantala, sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc., na sa pagdami ng mga pasyenteng may COVID-19 na kinakailangang ipasok sa mga ospital, nagsisimula na ring ikabahala ng mga pribadong health facilities sa labas ng Metro Manila.
Upang maitaguyod ang karagdagang critical care capacity sa gitna ng pagdagsa sa mga kaso ng COVID-19, sinabi ni Roque na itinatayo ang mga hospital na may kakayahang maglagay ng higit pang mga kama para sa mga pasyente.
“No one could have probably foreseen how infectious these new variants are and as a result of which, we have these ballooning numbers,” sinabi ng tagapagsalita ng pangulo.
“We are not alone in this predicament, everywhere in the world we are experiencing the effects of these new variants but we are coping and one good thing going for us is we have learned, we have experienced, we know how to cure and we are facing this with no hesitation,” dagdag niya.
Noong Linggo, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 11,028 na karagdang kaso ng COVID-19, na umabot sa kabuuang bilang na 135,526 active cases sa bansa.
Ang pangkalahatang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Pilipinas ay nasa 795,051 na.
Ang bansa ay nakapagtala ng pinakamataas na kaso nitong mga nakaraang araw, na may pinakamataas na bilang sa loob ng isang araw na umabot sa 15,310 infections na iniulat noong Abril 2.