By Frances Pio
––
Ipinagpatuloy ng Manila Metro Rail Transit System 3 (MRT-3), Light Rail Transit System Line 1 at Philippine National Railways (PNR) ang mga operasyon ng tren, matapos itong suspendihin nitong Miyerkules ng umaga kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Luzon.
Ayon sa pamunuan ng MRT sa pinakahuling advisory nito, nagpatuloy ang operasyon ng tren simula 10:12 a.m., sa north at south bounds, na may 17 tren na tumatakbo.
Ang LRT-1, samantala, ay muling nag-operate kaninang 9:07 ng umaga, na limitado lamang sa 25 kilometers per hour (kph) ang bilis ng takbo ng mga tren.
Matapos makumpleto ang assessment na sinigawa, ang LRT-1 sa pinakahuling advisory nito ay nagsabi na ang mga tren ay bumalik din sa kanilang normal na takbo o sa bilis na 60 kph.
Iniulat din ng PNR bandang 11:38 a.m. ng umaga sa isang advisory na ipinagpatuloy din nito ang operasyon “after inspection and certification issued by the Engineering Department that the tracks are passable and safe for passenger operation.”
Samantala, suspendido pa rin ang operasyon ng tren ng LRT-2. Sa pinakahuling update nito, sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na kasalukuyan pa rin itong nagsasagawa ng provisionary service mula V. Mapa hanggang Antipolo station.