Share:

By: Margaret Padilla

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hindi bababa sa 11 volcanic earthquakes ang naitala sa loob ng 24-hour observation period sa paligid ng Bulusan Volcano sa lalawigan ng Sorsogon. 

Ang pinakahuling ulat ng PHIVOLCS ngayong Biyernes ay nagsabi na ang nasabing bulkan sa rehiyon ng Bicol ay nagbuga ng 499 toneladang sulfur dioxide noong Hulyo 13.

Ayon sa PHIVOLCS, nasa Alert Level 1 pa rin o low-level unrest ang Bulusan, kung saan ang nakasaad sa report ay “volcano edifice is inflated.”

Ang katamtamang dami ng usok na inilabas ng bulkan ay umabot ng hanggang 300 metro ang taas bago lumipat sa hilaga. 

Samantala, nagbabala ang PHIVOLCS na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagtatangkang pumasok sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) at ang extended danger zone nang walang monitoring.

Leave a Reply