Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na muling ibabalik ang parehistro ng Voter’s certification para sa mga botante nitong ika-10 ng Mayo.
Ayon sa Comelec, maaring makuha ng mga botante ang Voters certificatuon mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng Hapon tuwing Lunes hanggang Huwebes sa Comelec’s National Central File Division satellite office, FEMII Building, Extension Cabildo Street cor. A. Soriano Avenue, Intramuros, Manila.
Pinaalala sa publiko ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang pagkuha ng Voters certification ay kinakailangan ng appointment upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Libre umano ito sa mga Senior citizen, PWDs, members of Indigenous People, Indigenous Cultural Communities at solo parents.