Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Lumipad na patungong United States ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi para sa kanyang pagsasanay.

Ibinahagi kahapon, Disyembre 16, ng Miss Universe Philippines organization sa social media ang larawan ni Cortesi habang nasa airport suot ang puting hoodie, pantalon, at sapatos na may bitbit na limang bagahe patungong US.

Safe travels, queen! Take a look as Miss Universe Philippines 2022 @celeste_cortesi embarks on her journey to the US for the final leg of her training for the 71st Miss Universe competition,” saad ng organisasyon.

Nitong Sabado rin, ibinahagi ng organisasyon ang mga larawan mula sa send-off party na ginanap para kay Cortesi.

Suportado sa pambato ng bansa ang iba pang MUPH Queens na sina Michelle Dee, Pauline Amelinckx, at Annabelle McDonnell matapos makita ang mga ito sa mga larawang ibinahagi kasama si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi.

Photo source: Miss Universe Philippines

Leave a Reply