Share:

Nagsimula na ang 10-day countdown ng Filipino Nurses United (FNU) nitong Lunes, August 23. Ito ay kanilang taning sa Department of Health (DOH) upang ilabas na ang kanilang special risk allowance (SRA) na matagal nang naantala.

Nakatakdang gamitin ng DOH ang kanilang contingency fund na P311 million upang ipamahagi bilang SRA sa mga health care workers(HCWs). Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire meron na silang inisyal na 20,156 na HCWs mula sa pribado at pang publikong hospital na makatatanggap ng kanilang SRA.

Kung mabigong mapamahagi ng DOH ang SRA bago matapos ang Sept. 1, nakatakdang magsagawa ng “big mass action” ang iba’t ibang grupo at organisasyon ng health care workers sa bansa, ayon kay FNU President Maristela Abenojar.

Leave a Reply