Nitong Lunes ibinalita ng Defense Secretary Delfin Lorenzana na siya ay nagpositibo sa Covid19 at kinakailangan ma-isolate upang hindi makahawa ng iba pang kababayan.
Ayon kay Arsenio Andolong, Director of the Department of National Defense (DND) Communications Service sa isang panayam na si Lorenzana ay isang asymptomatic na pasyente, gayon man kailangan padin mag paquarantine ng mga nakasalamuha ng Defense Secretary.
Bilang siya rin ang Chairman ng National Task Force against Covid19 pinapaalalahanan pa din ni Lorenzana na lahat ay sumunod padin sa mga ipinapatupad na regulasyon laban sa coronavirus lalo pa sa mga lumalabas na bagong variant ng virus.
Sa ngayon ay umaabot na ng 812,760 ang mga kaso ng may Covid19 sa bansa.