Share:

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na nais niya na ang lahat ng nakumpiskang shabu ay wasakin sa isang linggo upang maiwasan itong nakawin o ma-recycle.

“Pinapaalala ko kung sino ang namamahala sa mga bagay na ito, bibisitahin ko ang mga pasilidad kung saan ninyo tinatago ang droga,” ani Duterte

“Gusto ko lahat ng shabu at mga tiratira o kung wala man, gaano man kaliit, wasakin. Ang lahat ng ito, sa susunod na linggo. Napakadaming araw mo upang magawa ito. Isang linggo. Gawin ito ng isang linggo. Wasakin at kumuha ng ispesimen.Tutal, pag mag-ocular inspection, may prosecutor ‘yan,” dagdag niya.

“Pero may mga pulis na ganun. Ninanakaw o kaya hindi nirereport. Yun sila, ganun ang style nun. Magnakaw, 20 kilos, ireport ang 1 kilo. Yung 19, irecycle, ipagbili ulit. Iyon ay talagang puang inng na systema. Marami tayong makakapagpabuti ng mga bagay at mas mapangangalagaan ang mga tao,” ani ng Pangulo

“Inaasahan kong sasang-ayon sa akin ang Korte Suprema. Ilang araw lamang pagkatapos na sila ay mawasak at ma-account nang wasto. Tulad ng sinabi ko, wala nang pagnanakaw at pag-recycle. Sapagkat iyon ay ibang bagay,” dagdag niya.

Binigyang diin ng Pangulo na sa paggawa nito, maiiwasan ang pagnanakaw at pag-recycle ng iligal na droga.

Leave a Reply