Share:

By Frances Pio

––

Tumaas na sa 10 ang naiulat na bilang ng mga namatay sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon nitong Biyernes ng gabi, matapos ang apat pang bangkay ay narekober sa Lalawigan ng Abra.

Sinabi ng mga opisyal ng Abra na natagpuan nila ang mga labi ng apat na indibidwal na naunang naiulat na nawawala sa Bayan ng Luba.

“These 4 will be added po sa ating (to our) fatalities. We are just waiting for the official report containing the identities and other details of the deceased,” sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal.

Ang unang limang iba pang nasawi ay nakumpirma sa Cordillera Administrative Region (CAR), habang isa sa Ilocos Region ang sinusuri na rin, batay sa ulat ng NDDRMC.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 136 na naiulat na nasugatan sa lindol noong Miyerkules: 117 mula sa CAR, 18 mula sa Ilocos Region, at isa mula sa Cagayan Valley.

Hindi bababa sa 19,846 pamilya o 79,260 indibidwal sa 246 na barangay sa Ilocos Region at CAR ang naapektuhan ng lindol, dagdag ng NDRRMC.

Samantala, tinatayang nasa ₱3.8 milyon ang pinsala sa agrikultura at ₱4.5 milyon naman sa National Irrigation Administration.

Ang pinsala sa imprastraktura, sa kabilang banda, ay umakyat sa humigit-kumulang ₱48.3 milyon.

Ang Department of Public Works and Highways ay nag-ulat din ng ₱396.58 milyon na halaga ng pinsala sa mga kalsada at tulay.

Leave a Reply