Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, isang masuwerteng nanalo ang mag-uuwi ng P29.7 milyon matapos makuha ang jackpot numbers sa Grand Lotto 6/55 draw.

Ipinaskil ng nasabing ahensya ang ilang impormasyon ukol sa pagkapanalo. Nakuha ng nanalo ang kombinasyong 40 – 03 – 34 – 37 – 19 – 15 nitong Sabado ng gabi, 9 p.m. para sa nasabing draw.

Inanunsyo rin ng PCSO sa Facebook ang ilan pang mga nanalo.

Labindalawa ang nakakuha ng second prize na P100,000 at 550 katao naman ang nanalo ng P1,500 matapos makuha ang third prize habang 11,686 ang bilang ng nakakuha ng ika-4 na panalo, P60.

Samantala, mahigit P15 milyon naman ang napanalunan ng naka-jackpot sa Lotto 6/42. Dalawampu’t dalawa naman ang nanalo ng P24,000 sa kaparehong draw. Para naman sa 1,469 na nanalo ng 3rd prize, sila ay makatatanggap ng P800, at sa 4th prize naman ay P20 ang matatanggap ng 23,563 manlalaro.

Ilan pang mga nanalo:

* 6D LOTTO *

9 – 1 – 8 – 1 – 0 – 3

WINNERS SUMMARY

1st = 1 / 1,790,922.00

2nd = 3 / 40,000.00

3rd = 25 / 4,000.00

4th = 451 / 400.00

5th =3,375 / 40.00

* 3D LOTTO *

0 – 0 – 9

WINNERS SUMMARY

STD = 259 / 4,500.00

RBL3= 183 / 1,500.00

RBL6= 0 / 750.00

* 2D LOTTO*

20 – 08

WINNERS SUMMARY

STD = 403 / 4,000.00

RBL = 926 / 2,000.00

(Photo: PCSO/Facebook)

Leave a Reply