Share:

By Christian Dee

MAYNILA – P33,000 ang halaga ng national minimum wage ang ipinapanawagan ng grupo ng mga manggagawa, para sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa isang panayam, isiniwalat ni Santiago Dasmarinas Jr., National President ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), ang dinaranas na paghihirap sa pagkasya ng sweldo dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin at iba pang mga gastusin.

Para sa isang pamilyang may limang miyembro, nasa P1,119 na kada araw ang family living wage, batay sa pag-aaral ng IBON Foundation.

Batid ni Dasamarinas na ang tala ng nasabing non-government organization ay noong Setyembre pa. Ito ay iyong panahon na mas mabagal pa ang pagtaas ng mga presyo ng bilhin at mga serbisyo.

Noong nakaraang buwan, umabot na ng 7.7 [percent] ang inflation rate samantalang ‘yong sweldo ng mga kawani ng gobyerno, lalong-lalo ng nasa mababang posisyon, ay mababa pa rin,” aniya.

Samakatuwid, panawagan ng Courage sa burukrasya na dapat ay pantay lahat at i-regular ang mga kontraktuwal na manggagawa sa gobyerno.

Leave a Reply