Dalawa sa mga OFW sa Lebanon ang nagbigay ng kanilang pahayag patungkol sa naging pag sabog sa Beirut,Lebanon na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang kababayan at walong sugatan.
Isa sa kanila ay si Marivel Salimabangon na 23 taon nang nagtratrabaho sa bansang Lebanon. Ngayon lamang daw naranasan ni Marivel ang ganong pagsabog sa bansa na halos hindi na maaninag ang ulap.
Isang kababayan din natin na si Roelyn Castin ang nakadanas ng trauma sa pangyayari. Aniya, isa ang apartment nila ng kanyang amo ang nadamay sa mga nawasak sa insidente.
Umaabot ng 30,000 ang pinoy na nagtratrabaho sa Lebanon na nakakaranas ngayon ng hirap sa Lebanon na dulot ng pandemya at pagbaba ng ekonomiya. Hiling nila, nais nadin nila makauwi ng Pilipinas.
Ngayon, 13 na ang nakumpormang namatay at mahigit sa 5000 ang sugatan.
Sa kabilang banda, nangako naman ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ng pagtulong sa mga kababayan natin na makauwi na ng Pilipinas.