Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Mag-uuwi ng bronze medal ang Pinoy pride na sa Nesthy Petecio matapos ang kanyang laban sa 2022 ASBC Asian Elite Men & Women Boxing Championships sa Amman, Jordan noong Miyerkoles, Nobyembre 9.

Natalo si Petecio sa women’s 57kg featherweight division laban sa katunggali nitong si Karina Ibragimova mula sa Kazakhstan, 5-0.

30-26 pabor kay Ibragimova, ang magkakaparehang iskor na ibinigay ng mga hurado mula sa iba’t ibang bansa, Italy, Thailand, Algeria, Tajikistan at Tunisia.

Samantala, isa pang bronze medal ang maiuuwi sa bansa matapos ang pakikipagbakbakan ni Hergie Bacyadan kay Ruzmetova Sokhiba ng Uzbekistan.

Nagharap ang dalawa sa women’s 75kg middleweight class ngunit bigo ang Pinoy na makuha ang pagkapanalo, 3-2, pabor sa kalaban.

Leave a Reply