Share:

By Frances Pio

––

Pagkatapos ng apat na buwang trial period, pormal na ipatutupad ng Quezon City ang no-contact apprehension (NCAP) program sa anim sa 15 naaprubahang lokasyon ngayong Biyernes.

Ang NCAP ay isang programa na naglalayong bawasan ang physical apprehensions ng mga motorista sa pamamagitan ng paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa mga pangunahing lugar upang makuha ang mga paglabag sa trapiko.

Sinabi ni Dexter Cardenas, officer-in-charge ng Quezon City Task Force on Transport and Traffic Management, na ang NCAP isasagawa sa mga sumusunod na lugar sa buong lungsod: P. Tuazon – 13th, P. Tuazon – 15th, E Rodriguez – Hemady, E Rodriguez – Tomas Morato, Kamias – Kalayaan, at East Avenue – BIR.

“Ang pinapagana po natin ngayon starting today, anim na location muna. So in other areas, patuloy pa rin ‘yong manual apprehension natin of violators so that within the approved na locations, hindi na manghuhuli doon ‘yong ating mga enforcer,” sinabi ni Cardenas.

Idinagdag ni Cardenas na magpapadala ng notice of violation sa rehistradong may-ari ng sasakyan sa loob ng 14 na araw kasunod ng nakuhaang paglabag sa CCTV.

Ayon sa Quezon City government, dapat bayaran ng mga lalabag ang kanilang multa sa loob ng 30 araw pagkatapos matanggap ang notice. Maaaring gawin ang pagbabayad sa pamamagitan ng website na http://nocontact.quezoncity.gov.ph/, over-the-counter sa mga piling bangko, o sa pamamagitan ng cash payment sa ground floor ng Department of Public Order and Safety Building sa Quezon City.

Ipatutupad din ang NCAP sa mga inisyal na naaprubahang mga sumusunod na lugar:

Quirino Highway – Susano Road (Novaliches Bayan)
Quirino Highway – Zabarte Road
Quirino Highway – Tandang Sora (Sangandaan)
E Rodriguez – Gilmore
Aurora – Hemady
Aurora – Gilmore
Aurora – Broadway
Aurora – 20th street
West Avenue – Baler

Ang petsa ng pagpapatupad ng NCAP sa mga lugar na ito ay hindi pa tinukoy ng Pamahalaan ng Quezon City.

Leave a Reply