By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa isang consultant ng National Telecommunications Commission (NTC), hindi papayagan ng Sim Registration Law na magrehistro ang mga menor de edad gamit ang sarili.
Sa isang panayam, nabanggit ni Engr. Edgardo Cabarios na kapag menor de edad, sa ngalan ng kanilang magulang o guardian, kakailanganin ng pahintulot nito.
“‘Pag ka minor ang magre-register, in the name of the guardian or parents, dapat mayroong consent, written consent,” ani Cabarios.
Ayon sa NTC consultant, ang alternatibong paraan upang makagamit ang mga menor de edad ng SIM card ay mag-rehistro ang guardian o magulang, saka ibigay sa mga menor de edad na anak o kamag-anak.
Kamakailan lamang ay naglabas ng implementing rules and regulations (IRR) ang NTC para sa pagpaparehistro ng mga SIM card.
Base sa IRR, kailangang makapagparehistro ng SIM Card simula Disyembre 27 upang hindi ito ma-deactivate sa susunod na taon.