By Christian Dee
MAYNILA – Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan na maaring magtungo ang mga nais magrehistro sa mga stores at branches ng mga telco upang matulungang magkapagparehistro ng kanilang SIM card.
Ito ay matapos ang mahirap na pag-access sa pagpaparehistro sa inilabas na websites ng mga telco sa unang araw ng SIM card registration kahapon, Disyembre 27.
“‘Yung mga assisted registration po, pwede sila magpunta—mga registering subscribers—pupunta sa mga stores o branches ng mga telcos. May mga personnel sila doon na pwede pong tumulong sa mga kababayan na gusto po magparehistro,” ani Salvahan.
Ayon sa NTC Deputy Commissioner, nakatakdang simulan ang assistance service ng Globe Telecom Inc. sa Pebrero 2023 para sa mga nangangailangan ng tulong.
Samantala, ang DITO Telecommunity naman, isa ring telco, ay nakapagsagawa na ng in-store na assistance service para sa mga magpapatulong sa pagpaparehistro ng SIM card.