Isang grupo ng mga nurses ang nagnanais na magsumite ng diskusyon upang magkaroon ng hiwalay na isolation wards ang mga health workers para magamot at ma-isolate ang mga medical frontliners.
Ayon kay Philippine Nurses Association National President Melbert Reyes noong Lunes, Abril 26, maliban sa mga COVID wards, ang mga ospital ay dapat ding magkaroon ng lugar para sa mga health workers.
Umapela din si Reyes sa Department of Health (DOH) na gawing regular ang mga contract-of-service health workers.
Sabi ni Reyes, ang pagkakaroon ng mababang sahod at walang sistemang working conditions ang nagtutulak sa nga nurses na mag-resign sa kanilang mga trabaho.