Share:

Pagpapaluwag ng quarantine sa NCR Plus ay hindi umano nakatutulong upang tuluyang bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos paluwagin ng IATF ang quarantine sa NCR Plus mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ilagay sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) hanggang sa katapusan ng buwan.

Para sa OCTA Research, hindi ito nakakatulong dahil patuloy parin ang pagdami ng kaso ng Covid sa mga nasabing lugar.

“It’s still too early to say, pwede pang ma-reverse pero sa totoo lang, we are getting very concerned na the MECQ is not working. We’re just being transparent about the data,” ayon kay Professor Guido David.

Ayon kay David, nakita ang epekto ng ECQ sa NCR Plus dahil sa pagbaba ng growth rate na umabot sa 20 percent. Ngunit dahil nga sa muling pagpapaluwag ng quarantine ay nakikita ang muling pagtaas ng growth rate sa NCR Plus.

“Pero this week, nawala na ‘yung negative growth rate. Suddenly, naging positive na naman ‘yung growth rate sa NCR. It increased to 4 percent compared sa last week. Nag-change ‘yung indicators, and that’s very concerning,” ani ni David.

“Now, maybe the MECQ is not working. So we will know more, lalo na we will see the numbers today and tomorrow and by Monday, if they continue to be higher than what we’re expecting, it might be na ‘yung (that the) MECQ is actually not working,” dagdag pa niya.

Samantala, umabot na sa 914,971 ang mga kaso ng Covid sa bansa matapos makapagtala ng 10,726 na bagong kaso noong Biyernes.

Leave a Reply