Share:

Pagbaba ng bilang ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ang nakikitang kalalabasan ng OCTA Research sa pagimplementa ng bagong patakaran kung saan hindi muna pahihintulutan ang pagbiyahe palabas ng tinatawag na NCR PLUS “Bubble Area”.

Ayon sa OCTA Research maaaring bumaba sa 1.5 reproduction number mula sa 2.0 ang kaso ng Covid sa NCR at mga karatig nitong probinsya. Di umano ay aabot na lamang sa 6,000 na kaso ng Covid kada araw ang maitatala dahil sa pagpapatupad ng patakaran na ito.

Ang NCR Plus Bubble policy ay ang pagbabawal sa paglabas sa mga boarder ng lugar na ito at pagpasok sa mga lugar na ito maliban na lamang kung ikaw ay kabilang sa tinatawag na APOR.

Kamakailan lang ay klinaro ng PNP na walang restriction ng pagtravel sa mga nasa loob ng bubble area.

Dahil nga sa muling pagtaas ng kaso ng Covid sa ating bansa kung saan nalagpasan ang record noong Agosto ay inilagay muli sa General Community Quarantine ang buong NCR kabilang ang mga probinsya ng Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal ngunit may karagdagang mga patakaran mula noong Marso 22 hanggang sa Abril 4.

Leave a Reply