Pinayagan na ng gobyerno ang isang beses sa isang araw na religious gatherings hanggang sa 10% capacity sa mga simbahan para sa darating na Holy Week o mula Abril 1 hanggang Abril 4, inihayag ng Malacañang noong Biyernes.
“Pinayagan po ng inyong IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] ang once a day religious gatherings mula a uno hanggang a kwatro ng Abril…Kinakailangan sundin ang maximum indoor capacity na 10 porsyento sa lahat ng oras,” sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque sa isang maikling pahayag sa telebisyon.
Sinabi ni Roque na ang pagpasok sa mga simbahan at lugar ng mga aktibidad ng pagsamba ay sa pamamagitan ng pagpapareserba ay hinihikayat para matiyak ang pagsunod sa 10 porsyento na limitasyon na kapasidad.
“Bawal ang pagtitipon tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan o venue,” ang sabi niya.
Hindi pinapayagan ang audiovisual feeds ng mga relihiyosong aktibidad sa labas ng mga simbahan para pigilan ang mga Mass goer na maging crowded.
Ang live na pag-awit ay mahigpit na limitado, habang ang recorded na pagkanta ay lubos na hinihikayat.
“Hindi lang po ito para sa Simbahang Katoliko, lahat po ng pananampalataya kasama na rin po ang ating kapatid na Muslim, mga Shinto, pupuwede pong once a day, 10 percent capacity, April 1 to April 4,” sabi ni Roque.
Nito lang pinagbawalan ng gobyerno ang lahat ng mga pagtitipon ng tulad ng pagmimisa kabilang ang mga gawaing panrelihiyon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bubble na sumasaklaw sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna upang pigilan ang pagdagsa sa mga kaso ng COVID-19.