Share:

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga naitatalang aksidete sa kalsada at mga driver na hindi sumusunod sa batas trapiko, nagsagawa ng “one time big time” na operasyon ang LTO, PNP Highway Patrol Group (HPG) at MMDA nitong miyerkules ng gabi.

Una na rito ang pag sita sa mga driver na hindi naka face mask at face shield sa loob ng kotse o mali ang pag suot.

Tiniketan naman ang mga driver na may violation at nag sagawa sila ng random drug test para sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

Kung saan mahigit 36 na driver ang tinest at isa ang nag positibo. Ang driver na ito ay may posibilidad na masuspinde sa pagmamaneho.

Ito ay isinagawa sa apat na lugar ng Maynila at ng Quezon City.

Ayon sa HPG-NCR na karamihan na mga na aaksidente ay ang mga lasing o mga naka drogang drayber.

Leave a Reply