By Christian Dee
MAYNILA – Pinagbabaril ang isang general manager ng isang electric cooperative nitong Miyerkoles, Disyembre 21, bandang alas-12:10 ng hatinggabi sa Bacolod.
Kasalukuyang hindi pa nakikilala ang mga salarin sa pagpaslang sa biktimang kinilala bilang si Danny Pondevilla, ang opisyal ng Northern Negros Electric Cooperative.
Ayon sa pulisya, nakaupo si Pondevilla sa driver’s seat ng kanyang sinasakyang Toyota CRV nang barilin siya sa 16 Lacson Street.
Ang naturang sasakyan ay naka-park sa harap ng isang outdoor food park na BazKet BCD.
Nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon para mapag-alaman na ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo nito sa pagpatay kay Pondevilla.