Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Handa at natatanaw ng Philippine Airlines (PAL) na magkakaroon ng mataas na kita na nasa halagang P10 bilyon para sa taong 2022 habang puspusan ang pagbawi ng mga biyaheng panghimpapawid.

Anang pangulo at chief operating officer ng nasabing airline na si Stanley Ng, ang PAL ay “profitable” sa taong ito.

This year, (we’re) okay. We are profitable this year,” aniya.

Aniya, ang kanilang target na kikitain hanggang matapos ang taon ay P10 bilyon.

Naniniwala si Ng na ang paglago ng PAL sa taong ito ay hinimok karamihan ng mga international flights pati ang pagpapabuti ng mga operasyon nito sa loob ng bansa.

Matatandaang halos P22 bilyon ang nawalang kita ng PAL noong 2021, ngunit ngayong Enero hanggang Setyembre, nagtala ng P6.76 bilyong kita ang airline.

Pinalakas naman ng pagbawi sa mga “passenger bookings” ang mga kinita nito sa loob ng siyam na buwan na nag-triple at umabot sa halagang P97.77.

Ngayong taon, nanumbalik na ang maraming biyaheng panghimpapawid sa ibang bansa at sa loob ng bansa habang nilulubos nila ang “revenge travel.”

Leave a Reply