Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes, Nobyembre 7, P206.5 bilyon ang nakalaang tulong pinansyal o ayuda sa iminungkahing budget ng bansa sa taong 2023.

Sinabi rin ng DBM na ito ay maaring cash transfers lamang o sa pamamagitan ng mga subsidy programs na makakatulong para maibsan ang epekto ng taas-presyo ng mga bilihin at gasolina sa mga nangangailangan.

Ani Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos naman ay hindi dapat pabayaan ang pinakamahirap sa mga mahihirap.

As I said in my SONA, we will continue to care for our countrymen who are in dire poverty. We will not neglect them,” aniya sa kaniyang mensahe.

Ayon naman kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang iminungkahing budget ay ginawa para malabanan ang posibleng pagkakabigla sa hinaharap.

We feel and understand the plight of our kababayans as we face the unfortunate impacts of the inflation due to several factors that some are beyond our control,” aniya.

Ang mga sumusunod na programa ng mga ahensya ng pamahalaan ay ilan sa mga pinaglaanan ng pondo:

• Department of Social Welfare and Development (DSWD) = P165.40 billion for social assistance programs

• Department of Health (DOH) = P22.39 billion for medical assistance for indigents, among others

• Department of Labor and Employment (DOLE) = P14.9 billion for its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program

• Department of Transportation (DOTr) = P2.5 billion for fuel subsidies

• Department of Agriculture = P1 billion for the provision of fuel assistance to corn farmers and fisherfolk

Leave a Reply